Wednesday, September 9, 2009

KOMEDYA SA PILIPINAS, Isang maikling pagtanaw sa kasaysayan


Sinulat ni WILHELMINA S. OROZCO

Ang paggamit ng entablado para ilahad ang niloloob ng taumbayan tungkol sa mga nangyayari sa ating bansa ay matagal nang ginagawa. panahon pa ng pagsisimula ng dantaong 1900 ang mga mandudula ay nagpapalabas na ng mga dula na tumutuligsa sa mga pamamalakad ng mga Amerikano at Kastila. Nguni't ang mga ito ay naglalaman ng mga simbolo ng mga nagtutunggaling puwersa sa lipunan. Seryoso ang mga dula subali't may mga nakanakang komedyang eksena. Pamoso noong mga panahong yun sina Pugo at Togo.

Samantala sa entablado naman ng mga eskuwelahan at sa mga syudad, ipinalabas din ang dulang New Yorker in Tondo, isang komedya tungkol sa isang balikbayan na mas Amerikano pa kaysa Amerikano pero kayumanggi naman. Nauso rin sa radyo ang komedya tulad ng Sebya Mahal Kita na pinalabasan nina Sylvia Guerrero at Eddie San Jose. Ang iba pang pamosong mga komedyante ay sina Oscar Obligacion, Chichay at Aruray atbp.

Noong panahon ng diktadura, ang mga kabataan ay nagpapalabas ng mga dula na dinadala nila sa mga palengke, sa kalye. Kadalasan ay slogans ang mga nilalaman nito. Ang katatawanan dito ay lumalabas sa paglibak sa mga tuta ng diktador na walang gawain kundi maging sunud-sunura. Pero hindi rin gaanong naging katatawanan sapagka't sa mas malawak na lipunan naghihirap ang mga tao dahil sa panunupil ng mga karapatang pantao.

Sa ngayon, ang komedya ay napapanood sa telebisyon. naririyan ang mga programa ni Michael V. at Ogie Alcasid, ang Bubble Gang na panakanakang naglalabas ng mga skits na may patungkol sa pulitika, subali't sa ngayon ay parang natigil na. Naririyan din ang mga domestic comedies nina Vic Sotto. Nasasapawan na ang mga nakatatawang programa ng mga telenovelas na kadalasan pa ay mga imported mula sa Korea at ibang bansa.

Kung minsan ay lumalabas din sa entablado sina Ai-Ai delas Alas at si Teysi Tomas na nag-impersonate ng mga kilalang tao sa lipunan upang maging katatawanan.

Sa larangan ng pelikula, si Ai-Ai pa rin ang bida sa mga komedya, na marahil ay namana ang kanyang pagiging komedyante sa mga "greats" tulad ni Chichay at Aruray na sumikat noong mga 50's at hanggang 60's.

Bandang 70's o 80's ginawang katatawanan ang isang artista na sobra ang dunong daw.

Sa kasalukuyan may mga lumalabas na katatawanan sa YouTube, si Mae Paner bilang Juana Change na nagsa-satire ng mga pulitikal na personalidad at mga patutsada niya sa mga karakter ng mga tao. Lumalabas na rin siya sa entablado.

Ang pagpapalabas ng WHEN GOD DISPENSES JUSTICE ay isang paraan upang mailahad ang mga saloobin tungkol sa mga nangyayari sa ating lipunan, ang palihim na panunupil ng mga kritikal ng rehimeng ito. Ito ay may kasamang mga kanta -- himig at titik pa rin ni WSO -- na acapella. Sana'y marami pang magsunuran sa paggamit ng pormang ito sa ating lipunan. May kasabihang, "laughter is the best medicine."

No comments:

Post a Comment